Top 10 mga hayop at insekto na magaling sa camouflage at pagpapanggap | Animal & Insect mimicry
Description
Malamang ay alam na alam nyo na ang dahilan kung bakit camouflage ang suot ng mga sundalo at ilan sa mga kapulisan, ito ay para pagtakpan ang lokasyon, pagkakakilanlan at galaw ng isang mandirigma laban sa kanyang mga kaaway. Pero alam nyo ba na ang taktikang ito ay ginaya lamang ng tao mula sa mga insekto at hayop?
Kayat sa ating topic ngayon, ating tutukuyin ang top 10 na mga hayop at insekto na nagtataglay ng pinaka nakakamanghang istilo ng pagko camouflage o kung tawagin ng mga eksperto ay Animal and insect Mimicry.
Panuorin ito hanggang dulo at makikita nyo kung paano gamitin ng mga hayop at insektong ito ang kanilang paligid para sa kanilang advantage. Dito nyo rin makikita ang insektong aakalain mo talagang sanga lamang ng isang kahoy o isang tingting sa nakakamangha nitong pagko-camouflage, at ang isa naman na kamukhang kamukha ng isang dahon at ang isang caterpillar o uod na nagmumukhang makamandag na ahas.
10. Mimic Octopus
09. Snake Mimic Caterpillar
08. Dead Leaf Mantis
07. Gaboon Viper
06. Chameleon
05. Stick Mantis
04. Leaf Insect
03. Pygmy Seahorse
02. Wrap Around Spider
01. Decorator Crabs
Ang pag camouflage ay isang defence mechanism ng mga hayop (Animals) o insekto (insects) para protektahan ang kanilang sarili laban sa mga mananalakay. Ginagamit din nila ito para sa kanilang pag atake para sa kanilang pag kain.
Sa ating mundo ay marami pa rin talagang nakakabilib at nakakamanghang bagay na madalas ay hindi natin alam. Kayat ang The Great Maharlikans ay nandito upang maghatid sa inyo ng mga kakaiba at interesting na topics at kaalaman.
Follow nyo rin ang aking Facebook page : The Great Maharlikans
Special mention to @KA JOPET
Maraming salamat sa panonood
Comments